Calendar

Magsabi ng ‘I love you’ sa ina sa Mother’s Day
PINAYUHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga Manileño na huwag lamang sa kilos at gawa ipakita ang pagmamahal sa kanilang ina kundi magsabi rin ng “I love you.”
Ipinahayag ito ng alkalde na natutunan niya ang pagsabi nito bilang isa ring ina sa kanyang anak sa pagdiriwang ng Mother’s Day sa Mayo 11.
Kinilala si Mayor Lacuna, hindi lamang bilang isang lider, kundi bilang isang ina ng lungsod na may pagmamalasakit, mabilis na aksyon, marunong mag panatili sa pinagkukunan ng pondo at disiplinado.
Isa si Manila 2nd District Congressman Rolan Valeriano sa nagpatotoo nito sa nasaksihan niyang magagandang resulta ng mga nagawa ng alkalde sa mabilis na panahon mula sa pagkalinga sa kalusugan, pagsasaayos ng mga imprastraktura at serbisyong panlipunan at maging sa edukasyon.
“Mayor Honey also initiated the Kalinga sa Maynila program, bringing essential services directly to barangays, and personally listens to the concerns of Manileños through People’s Day,” dugtong pa ni Valeriano.
Maging sina 3rd District Congressman Joel Chua at ang kumakandidatong kinatawan sa kongreso ng 4th District na si Dra. Giselle Maceda ibinahagi rin ang kani-kanilang karanasan at natuklasan sa katauhan ng unang babaing alkalde ng kapitolyo ng bansa.
Naniniwala ang tatlong pulitikong ka-alyado ni Mayor Honey Lacuna na sa pagdiriwang ng Mother’s Day, nakikita na ng mga Manileños ang pangangailangan ng isang lider na may pagkalinga, nagkakaloob ng proteksiyon at kumikilos, tulad ng isang tunay na ina.