Calendar

Provincial
Magsasaka binoga ni insan, utas
Jojo Cesar Magsombol
Jan 12, 2025
67
Views
PATAY noong Miyerkules ang magsasaka na pinagbabaril ng pinsan niyang nakatakas habang nasa taniman ng mangga sa Brgy. Putingkahoy, Rosario, Batangas.
Ang biktima, si alyas Isagani, 54, ayon sa mga pulis, habang ang suspek na pinsan nakilalang si alyas Loreto, 51. Naganap ang pamamaril alas-6:00 ng umaga.
Isang tawag sa telepono ang natanggap ng mga pulis mula sa opisyal ng Barangay ng Putingkahoy, at inereport ang naganap na insidente.
Sa imbestigasyon, nakatayo umano ang biktima dakong alas-6:00 ng umaga ng biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing paulanan ng bala ng 9mm ang kanyang pinsan na tumama sa iba’t-ibang parte nito.
Tumakas ang suspek patungo sa hindi nalamang direksyon pagkatapos mamaril.
Midwives mas malaki kita sa mga nurses–BPSU pres
Feb 22, 2025
LUISTRO TUMULONG SA PAGPAGAWA NG BAGONG TULAY
Feb 22, 2025
Lian, Rosario, Calaca nagkaroon ng dental mission
Feb 22, 2025