Rider

Magsasakang rider todas sa pamamaril

25 Views

ISANG magsasaka noong Lunes ang pinagbabaril at napatay ng mga hindi nakilalang salarin habang nagmomotor sa Sitio Silangan, Brgy. Buhaynasapa, San Juan, Batangas.

Nakilala ang biktima na si alyas Lito, 54, ng Sitio Silangan, Brgy. Buhaynasapa.

Base sa imbestigasyon, papauwi na sa kanyang tahanan sakay ng kanyang motorsiklo bandang alas-7:30 ng umaga ang biktima nang tambangan ng dalawang suspek sakay ng pulang motorsiklo.

Duguang bumagsak sa kalsada ang biktima bago namatay at tumakas naman ang mga salarin patungo sa hindi malamang direksyon.