OFW

Magsino binisita Migrant Workers Office (MWO) sa South Korea

Mar Rodriguez Jun 14, 2023
204 Views

OFW1OFW2OFW3OFW4BINISITA ng OFW Party List Group sa Kamara de Representantes ang Migrant Workers Office ng Pilipinas sa South Korea upang personal nitong makita ang kalagayan ng mga tauhan o staff ng MWO na nangangalaga sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumudulog at humihingi ng tulong sa kanilang tanggapan.

Sinabi ni OFW Party List Congresswoman Marissa”Del Mar” P. Magsino na bilang takbuhan ng mga OFWs. Mahalagang papel aniya ang ginagampanan ng MWO sa Korea para pangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa na nagta-trabaho dito.

Sa ginawang pagbisita ni Magsino sa tanggapan ng MWO sa Korea, personal nitong ininspeksiyon ang pasilidad at naglaan din ng oras ang kongresista upang makasalamuha at makausap ang mga staff ng nasabing tanggapan patungkol sa kanilang ginagampanang trabaho.

Nabatid ni Magsino mula sa mga staff ng MWO kung papaano nila inaasikaso at pinangangalagaan ang kapakanan at kagalingan o welfare ng mga OFWs na lumalapit sa kanilang opisina para humingi ng tulong.

Sinabi pa ni Magsino na ibinahagi din ng Labor Attaché ng Pilipinas sa South Korea na si Ma. Celeste Valderama na nagbibigay din sila ng assistance at training programs para sa mga OFWs.

Kabilang sa mga tulong na pinagkakaloob nila para sa mga ito ay ang pagpapagawa ng isang “halfway house” para sa kanila (OFWs) na nasa loob mismo ng bakuran ng MWO na puwedeng pansamantalang tuluyan ng mga “distressed” OFWs habang naghihintay sila ng kanilang repatriation pabalik ng Pilipinas.

Kasabay nito, nagbigay din ng mensahe ang OFW Party List Lady solon kaugnay sa ika-125 selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. Sinabi ni Magsino na napaka-palad aniya ang mga Pilipino sapagkat sila ang benepisyaryo o tagapagmana ng naging sakripisyo ng kanilang mga bayaning ninuno na nagbuwis ng kanilang buhay upang makamit ng Pilipinas ang kasarinlan sa kamay ng mga mananakop na Kastila.

Ipinagdiwang din ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 sa pangunguna ng Regional Director nito na si Atty. Falconi “Ace” V. Millar ang Independence Day celebration sa lalawigan ng Bulacan kasama si Governor Daniel Fernando. Kung saan, nagkaroon din dito ng Job Fair sa Bulwagan Panlalawigan na pinangunahan din ng OWWA Region 3.

Ayon kay Atty. Millar, inilunsad nila ang Job Fair para maraming Pilipino ang kanilang matulungan partikukar na ang mga bagong graduate sa kolehiyo na naghahanap ng trabaho.