PH, Cambodia nagkasundong palakasin ang ugnayan
Feb 11, 2025
Andi, marupok — dating TV host
Feb 11, 2025
Andrea gustong magtagal sa serye ni Coco
Feb 11, 2025
Electrician hinuli sa pagtutok ng boga sa welder
Feb 11, 2025
Suspek sa mga nakawan, natiklo
Feb 11, 2025
Calendar
![Magsino](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2023/07/Magsino.jpg)
Travel & Leisure
Magsino iginiit sa DOJ na ipaliwanag panibagong guidelines ng IACT
Peoples Taliba Editor
Sep 13, 2023
181
Views
IGINIGIIT ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino sa pamunuan ng Department of Justice (DOJ) na kailangan nilang ipaliwanag ng mabuti sa publiko ang inilabas nilang panibagong guidelines patungkol sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACT).
Sa pagharap ng Justice Department sa budget deliberations sa Kamara de Representantes, kinuwestiyon ni Magsino ang panibagong guidelines ng ahensiya sa IACT na mas naging mahigpit umano para sa mga Pilipinong biyahero lalo na para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Dahil dito, muling binigyang diin ni Magsino sa DOJ na kailangang balansehin din nila ang kanilang vigilance laban sa human trafficking at pagpapanatili sa karapatang pantao bawat Pilipino na maka-biyahe at makapag-trabaho sa ibayong dagat sa pagpapatupad nila ng IACT.
Iminumungkahi din ng OFW Lady solon na magtalaga ng National Bureau of Investigations (NBI) Personnel sa mga piling “consular post” para matulungan ang mga OFWs na naging biktima ng pang-aabuso at krimen sa bansang pinagta-trabahuhan nila kabilang na dito ang mga scams.
Samantala, sinang-ayunan din ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Regional Director Atty. Falconi “Ace” V. Millar ang nahing pahayag ni Magsino kaugnay sa pagpapalabas ng DOJ ng kanilang paliwanag kaugnay sa kanilang panibagong guidelines para malinawan ang publiko tungkol dito.
Ayon kay Millar, upang mapawi ang pangamba ng publiko. Napaka-halaga para sa Justice Department ang magbigay ng kanilang detalyadong paliwanag hinggil sa IACT sapagkat ang naunang impression ng mamamayan tungkol dito ay masyadong napaka-higpit. Habang hindi makatao ang tingin naman ng iba.
Binigyang diin ni Millar na masyado umanong napaka-higpit ng revised guidelines na unang ipinatupad ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kasama na ang mga Pilipinong biyahero”.
Eroplano ng PAL lumampas sa runway, flight nakansela
Dec 27, 2024
PBBM inaprubahan pagluwag ng visa access sa dayuhan
Dec 12, 2024
PH Dive Experience inilunsad ng DOT
Nov 29, 2024
PH Dive Experience inilunsad ng DOT
Nov 29, 2024