Magsino

Magsino itinutulak na magkaroon ng mandatory GSIS coverage bgy execs

Mar Rodriguez Dec 12, 2023
206 Views

Magsino1ITINUTULAK ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino na maging mandatory o mapasama sa coverage ng Government Service Insurance Corporation (GSIS) ang mga Barangay officials.

Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 9683 na isinulong ni Magsino sa Kamara de Representantes na naglalayong maging mandatory ang GSIS coverage ng mga Barangay official para mapasama din sila sa mga makakatanggap ng benepisyo katulad din ng iba pang government employees.

Ipinaliwanag ni Magsino na sa kabila ng mahalagang papel at malaking kontribusyon na ini-aambag ng mga Barangay officials kabilang na ang mga council members sa kani-kanilang komunidad. Kulang parin umano ang pagkilala ng publiko sa kanilang malaking sakripisyo at serbisyo.

Subalit binigyang diin ni Magsino na sa likod ng napaka-halagang papel na ginagampanan ng mga Barangay officials at mga kasapi ng council. Hindi parin sila nakakatanggap ng nararapat na benepisyo katulad ng tinatanggap ng ibang empleyado ng pamahalaan gaya ng GSIS.

“With over 42,000 Barangays in the Philippines, these local units led by the Punong Barangay and supported by council members are the backbone of our decentralized local government system. Despite their crucial contributions to the community development. They do not enjoy the same benefits as government employees do,” ayon kay Magsino.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Magsino, itinutulak nito na magkaroon ng “compulsory GSIS membership” para sa mga Barangay officials kailang na ang mga kawani nito na nakasaad sa Section 3 ng Presidential Decree No. 1146 na pinamagatang “Government Service Act of 1997”.

“By allowing our Barangay officials to enjoy the benefits of being GSIS members. We are not only acknowledging their vital role, but also strengthening the frontlines of local governance by enticing competent individuals to serve at the barangay level through additional benefit,” sabi pa ni Magsino.