Magsino

Magsino nababalaha para sa 700 Pinoy na mangingisda na walang US visa sa Hawaii

Mar Rodriguez Feb 13, 2024
156 Views

Magsino1NAGPAHAYAG ng pagkabahala si OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino para sa kalagayan ng mga Pilipinong mangingisda o fishermen na nagta-rabaho sa Hawaii na walang pinanghahawakang United States employment visa (US Visa) sa ilalim ng “Special Arrangement”.

Sa kaniyang privilege speech sa plenaryo ng Kamara de Representantes, inilahad ni Magsino ang kasalukuyang mapait na kapalarang kinakaharap ng nasa tinatayang 750 Pilipinong mangingisda sa Hawaii.

Sinabi ni Magsino na batay din sa estima ng Philippine Consulate na naka-base sa Hawaii na 65% ng mga mangingisda ay mga Pilipino. Kung saan, karamihan sa kanila ay matagal ng nagta-trabaho sa nasabing bansa.

Subalit binigyang diin ng OFW Party List lady solon sa kaniyang privilege speech na limitado lamang ang galaw ng mga Pilipinong mangingsda sa Hawaii. Bunsod narin ng kawalan nila ng security of tenure sapagkat wala umano silang pinanghahawakang US employment visa.

“The Migrant Workers Office (MWO) of the Department of Migrant Workers (DMW) in Los Angeles and the Philippine Consulate do conduct regular missions and year-end gatherings with our OFW-fishermen to extend medical services. To provide them with food, clothing and other supplies,” sabi ni Magsino.

Binigyang diin ni Magsino na maituturing parin na hindi maayos ang kasalukuyang kalagayan ng mga Pilipinong mangingisda sa Hawaii dahil hindi umano sila makalabas man lamang para mamasyal sa labas ng port of Honolulu bunsod ng kawalan nila ng US employment visa.

Dahil dito, iminumungkahi ng kongresista sa Department of Foreign Affairs (DFA) at DMW na pagtuunan ng pansin at tutukan nila ang kasalukuyang problema ng mga Pinoy fisherment upang mabigyan sila ng employment visa para makakilos sila ng malaya at walang pinangangambahan sa Hawaii.