Magsino nabahala para sa mga pasahero na nakakaranas ng perwisyo

Mar Rodriguez Sep 8, 2023
152 Views

IPINAHAYAG ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino ang pagkabahala nito para sa libo-libong pasahero na nakakaranas ng napaka-tinding perwisyo o inconvenience matapos humarap sa budget hearing ng Kongreso ang Department of Transportation (DOTr).

Humarap sa budget deliberations ng House Committee on Ways and Means ang DOTr para depensahan nito ang kanilang 2024 proposed national budget. Inihayag ni Magsino ang kaniyang labis na pagkabahala para sa libo-libong pasahero na nakakaranas ng matinding perwisyo.

Dnikdik ni Magsino ang liderato ng DOTr kung ano na ang mga hakbang ang kasalukuyan nilang ginagawa o ipinapatupad para maibsan ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga pasahero kabilang na dito ang nararanasan nilang mga flight delays, flight cancellation at overbooking.

Hinihikayat din ng OFW Party List Lady solon ang pamunuan ng DOTr na agad na kumilos para tugunan sa lalong madaling panahon ang mga problemang kasalukuyang nararanasan ng mga psahero. Kasama na aniya dito ang traffic control glitches, power outages at airspace closure.

“I am also urging the DOTr to address the issues such as air traffic control glitches, power outages and air spaces closures within the aviation sector. It is also important that DOTr procure equipment and upgrade their facilities to prevent future disruptions,” ayon kay Magsino.

Binigyang diin naman ni OWWA Regional Director Atty. Falconi “Ace” V. Millar na napakahalaga para sa DOTr ang magkaroon ng nararapat o sufficient maintenance schedules para sa mga equipment na nasa loob ng mga pambansang paliparan katulad ng NAIA.

Ipinaliwanag ni Falconi na sa pamamagitan ng maintenance o pagsasa-aos ng mga equipment sa loob ng NAIA. Maiiwasan aniya na magkaroon ng glitches o gusot na ang mga psahero ang unang napaperwisyo partikular na umano ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sent from Yahoo Mail on Android