Magsino

Magsino pinapurihan ang pagkakapasa sa bicam ng “no permit, no exam policy”

Mar Rodriguez Dec 21, 2023
1545 Views

Magsino1IKINAGALAK NI OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang pagkakapasa sa Bicameral Conference Committee ng panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang patakaran sa mga pribado at pampublikong paaralan na ipatupad ang “No Permit, No Exam policy” sa kanilang mga estudyante.

Sinabi ni Magsino na sa ilalim ng Senate Bill No. 1359 at House Bill No. 7584 o ang “No Permit, No Exam Prohibition Act”. Papayagan ng makakuha ng examination ang mga mag-aaral o ang tinatawag na “disadvantage students” na sinertipikahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ipinaliwanag ni Magsino na ang “disadvantage students” ay ang mga mag-aaral na hindi kayang magbayad ng kanilang tuition fee bunsod ng emergencies, calamities at iba pang makatuwirang rason o justifiable reasons. Kung saan, papayagan pa rin sila makakuha ng kanilang examination.

Gayunman, ipinahayag pa ni Magsino na maaari naman mag-require ng “promissory note” ang pamunuan ng paaralan sa kanilang mag-aaral at panatilihin o i-retain ang credentials ng kanilang estudyante hanggang sa maayos o mabayaran nito ang kaniyang financial obligations sa nasabing eskuwelahan.

Ayon sa OFW Party List Lady solon, ang pumasang panukalang batas ay ipatutupad o nag-a-apply sa lahat ng pribado, pampublikong paaralan at unibersidad kabilang na ang mga Technical Vocational (TechVoc) institutions na nag-aalok ng mga long term courses na hindi hihigit sa isang taon.

Naniniwala din si Magsino na ang pagkakapasa ng “No Permit, No Exam policy” ay isang napakahalagang hakban o isang “significant step” tungo sa pagkakamit ng “equitable access” sa education sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga mag-aaral na kumuha ng examination sa gitna ng kanilang krisis.

“I am grateful for the collaborative efforts that have led to the passage of this legislation. The No Permit, No Exam Prohibition Act reflects our commitment to inclusivity in education and addresses the challenges faced by the students in times of crisis or financial hardships,” sabi ni Magsino.