Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino

Magsino sinuri itatayong OFW lounge sa NAIA Terminal 1

Mar Rodriguez Oct 14, 2023
378 Views

PERSONAL na nagtungo si OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 (NAIA-1) para magsagawa ng “ocular inspection” patungkol sa paglalagay ng iminumungkahing waiting area o isang “executive lounge” na ekslusibo lamang para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Nauna rito, kinuwestiyon ni Magsino ang Department of Transportation (DOTr) sa nakalipas na budget delibebrations sa Kamara de Representantes kaugnay sa kawalan ng “executive lounges” para sa mga OFWs.

Dahil dito, inihain ni Magsino ang House Resolution No. 1305 sa Mababang Kapulungan na naglalayong magkaroon ng pagsisiyast patungkol sa paglalagay ng mga “lounges” na ekslosibo o ‘dedicated” lamang para sa mga OFWs sa iba’t-ibang international airports sa buong bansa.

Nabatid kay Magsino na inabisuhan o sinabihan narin siya kamakailan ng pamunuan ng DOTr na na mayroon na silang nilalagay na OFW Lounge sa NAIA Terminal 1. Kung kaya’t binisita nito ang nasabing international airport upang makita nito ng personal ang inihahandang OFW Lounge at makita rin niya kung ito ba’y kombinyente para sa mga OFWs at kanilang pamilya.

Binigyang diin ng OFW Party List Lady solon na kailangang maramdaman aniya ng mga OFWs sa pamamagitan ng mga “Executive Lounge” na sila ay mga VIP. Sapagkat itinuturing sila bilang mga “modern-day heroes” o mg bagong bayani dulot ng kanilang hindi matatawarang paglilingkod para sa bansa.

“Sinabihan tayo recently ng DOTr na mayroon na silang proposed OFW Lounge sa NAIA Terminal 1. Kaya’t personal natin itong binisita para makita kung maganda ba ang espasyong inilaan tulad ng ating iminumungkahi. Dapat pang VIP ang dating ng lounge dahil ang ating mga OFWs ay tinaguriang modern-day heroes,” sabi ni Magsino.

Sinabi pa ng kongresista na bukod sa ipinapagawang Executive Lounge. Binisita rin nito ang paglalagay ng “OFW Health Desk” sa arrival area ng NAIA Terminal 1. Matapos makipagtulungan si Magsino sa Department of Health (DOH), Department of Migrant Workers (DMW) at MIAA.