Calendar

Magsino umaasa na makakaboto na ang mga OFWs sa Mayo
OPTIMISTIKO si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino na malaki ang maitutulong ng internet voting para sa libo-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) na hindi nakakaboto sa tuwing magkakaroon ng halalan sa Pilipinas dahil sa usapin ng “physical distance”.
Paliwanag ni Magsino na sa tuwing magkakaroon na lamang ng halalan sa bansa, maraming OFWs at Filipino seafarers ang hindi nakakaboto dahil sa malayong distansiya ng lugar na kanilang pinagtatrabahuhan at sa Embahada ng Pilipinas kung saan sila boboto.
Ang pahayag ni Magsino ay kaugnay sa pagsisimula ng “pre-voting enrollment” para sa internet voting kung saan naniniwala ang mambabatas na sa pamamagitan ng inisyatibang ito ay magiging accessible na para sa mga OFWs at Pinoy Seafarers ang pagboto saan man lugar sila naroroon.
Sabi ng kongresista na required ang mga Filipino overseas voters na makapagpa-rehistro upang makumpleto ang kanilang online pre-voting enrolment para ma-verify ang kanilang identity kasabay ng pagkakaroon ng access sa gaganaping online voting system.
Ayon kay Magsino, ang naturang proseso ay isang one-time requirment para makalahok ang mga OFWs at Pinoy seafarers sa darating na 2025 mid-term elections.
“The internet voting is a big help to our OFWs and seafarers as it addresses the challenges of physical distances between the overseas voter’s workplace or residences and the location of the post in their host countries,” sabi ni Magsino.