Villar9

Mahalagang papel ng mga kooperatiba binigyang diin ni Villar

Mar Rodriguez Apr 8, 2025
38 Views

BINIGYANG DIIN ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar (Nacionalista Party) ang mahalagang papel na ginagampanan ng sektor ng kooperatiba sa ating bansa.

Sabi ni Villar na sa pamamagitan ng mga kooperatiba, maraming mamamayang Pilipino ang umaangat ang pamumuhay lalo na sa mga komunidad.

Kasabay nito, muling nangako si Villar na itinuturing na “millennial candidate” na patuloy nitong isusulong ang mga proyekto at paghahain ng mga panukalang batas na naglalayong makalikha ng maraming trabaho at pagkakaroon naman ng livihood sa mga komunidad sa bansa.

Pagdidiin pa ng kongresista na noon pa man ay isinusulong na nito at itinataguyod ang mga programa at proyekto upang mabigyan ng magandang kabuhayan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng trabaho at hanap buhay.

“Noon pa man isinusulong ko na ang mga programa at panukalang batas na magtataguyod ng kabuhayan at magbibigay ng trabaho para sa mga Pilipino upang makamit nila ang kanilang pinapangarap,” sabi ni Villar.

Muling ipinahayag ni Villar na siya ang magiging boses sa Senado para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap.