BBM1

Maharlika fund dadalhin ni PBBM sa Davos

181 Views

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapag-usapan ang panukalang sovereign wealth fund o mas kilala bilang Maharlika Investment Fund (MIF) sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Ayon kay Malacañang Press Briefer Daphne Oseña-Paez nagkaroon ng briefing ang Department of Foreign Affairs kay Pangulong Marcos at doon pinag-usapan ang mga gagawing pakikipagpulong sa iba’ ibang lider.

Sa usapan ay nabanggit umano ng Pangulo ang kanyang pagnanais na mapag-usapan sa WEF ang MIF, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Carlos Sorreta.

“At the briefing this morning, the President said that we are developing all these excellent fundamentals, and there’s much that we can offer investors, and he said: ‘You know, let’s talk about the sovereign wealth fund that’s being set up,’” sabi ni Sorreta.

Ayon kay Sorreta ang MIF ang isa sa pinaghahandaan ngayon para sa Davos.

Ang MIF ay inaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa bago ang Christmas break.

Inaasahan naman na tatalakayin na ito ng Senado.