DepED

Mahigit 27M nag-enroll ngayong pasukan

208 Views

NASA 27,158,578 estudyante ang nag-enroll para sa school year 2022-2023, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sa bilang na ito pinakamarami ang nagpa-enroll sa Calabarzon (Region 4-A) na umabot sa 3,709,599, sumunod ang Central Luzon na may 2,810,330 at ang National Capital Region na umabot sa 2,406,014.

Ngayong Lunes, Agosto 22, magbubukas ang klase sa mga pampublikong elementarya at high school.

Mayroong mga pribadong paaralan na nagsimula na ng klase bago pa magsimula ang pampublikong paaralan. Mayroon din naman na mas mahuhuli.

Pinapayagan ang mga pribadong paaralan na mamili ng petsa ng pagbubukas ng klase alinsunod sa pamantayan na inilabas ng DepEd.