Calendar

Nation
Mahigit 50% ng LET examinee pumasa
Peoples Taliba Editor
Aug 6, 2022
264
Views
MAHIGIT 50 porsyento ng mga kumuha ng Licensure Examination for Teachers (LET) ang pumasa, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Sinabi ng PRC na 8,667 o 50.54 porsyento ng 17,149 examinee para sa LET elementary level ang pumasa.
Sa high school o secondary level, ang pumasa ay 50.48 porsyento o 10,193 sa 20,191 kumuha ng pagsusulit.
Ang LET ay isinagawa noong Hunyo 26 sa 19 na testing centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pagcor nag-ambag ng P12.67B sa kaban ng bayan
May 14, 2025
Insidente ngayong halalan bumaba ng 56% — PNP
May 14, 2025