Jocelyn Matindi ang bakbakan nina Jocelyn Ayangwa (red) ng Philippine Army at Kaye Dasher Nabehet (blue) ng Philippine Army sa women’s flyweight (50-52kg) fight sa 2024 ROTC Games saTagaytay City. PSC photo

Mainit na bakbakan sa ROTC Luzon Games

Robert Andaya Jul 30, 2024
139 Views

INDANG, Cavite — Bagamat nakatuon ang pansin ng lahat sa Paris Olynpics, hindi naman magpapahuli ang mga pinaka-magagaling na cadet-athletes sa gaganaping 2nd Philippine Reserve Officers Training Corps (ROTC) Luzon Games sa Cavite State University Track Oval at De La Salle University-Dasmariñas.

Kabuuang11 gold medals — anim sa athletics at lima sa swimming — ang pag-aagawan sa pagpapatuloy ng aksyon sa prestihiyosong six-day competition, na itinatagiyod ni Senate Majority Leader Francis Tolentino da pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines, Commission on Higher Education, at Tagaytay City government.

Nakataya ang mga gold medals sa women’s 1,500-meter run, men’s 1,500m, women’s at men’ s long jump, at women’s at men’ s 200m events sa CvSU.

Samantala, limang gold medals ang paglalabanan sa swimming events ngayong araw sa De La Salle University-Dasmariñas.

Sisimulan ang mga labanan sa 200m Individual Medley na susundan ng 100m freestyle, 50m butterfly, 50m backstroke at 200m breaststroke events.

May pag-aagawan ding gold medald sa men’s at women’s forms competition ng arnis sa CvSU Indang International Convention Center at sa raiders competition sa CvSU Softball Field.

Gayundin, nagsimula na ang mga elimination round ng men’s basketball sa Robinsons Tagaytay Basketball Court at City College of Tagaytay, women’s volleyball sa CvSU Quadrangle at boxing sa Tagaytay Combat Sports Center.

Kaagad nagtala ng panalo ang PATTS sa women’s volleyball matapos walisin ang PHILSCA, 25-17, 25-15,25-19.

“Huwag nila i-underestimate porket sinabi nila na ROTC Games lang ito,” wika ni coach Paul Anthony Celis sa kanyang PATTS team. “Palagi kong kino-consider na everytime na tumuntong sa court, ang normal instinct dapat patay kung patay.”

Magbubukas na rin ang mga aksyon sa table tennis sa CvSU Gymnasium, sepak takraw sa Sigtuna Hall, chess sa CvSU Rolle Hall.