Leni1

Malabon folk umangal sa paggamit ng Malabon Central Market sa kampanyang Leni-Kiko

363 Views

LeniMARAMING mamamayan sa Malabon City ay nagrereklamo dahil sa paggamit umano ng Malabon Central Market sa kampanya nina Leni Robredo at Francis Pangilinan. Si Robredo ay tumatakbong pangulo sa darating na halalan, at si Pangilinan ang kanyang kandidato sa pagka-pangalawang pangulo.

​Tinawag pansin ng marami ang malaking karatula sa harapan ng Malabon Central Market kung saan makikita ang mga larawan nina Robredo at Pangilinan, at ang mga salitang “Leni-Kiko 2022.” Kapansin-pansin din na ang kulay ng karatula ay rosas (pink), ang kulay na ginagamit ni Robredo sa kanyang kampanya.

Nakasaad sa batas na hindi maaaring gamitin ang mga pampublikong gusali tulad ng palengke para sa kampanya ng kahit sa sinong pulitiko. Ang paglabag sa batas na ito ay may parusang kulong at multa. Bukod dito, ang pasimuno ng ilegal na kampanya at maaring pagbawalan na tumakbo sa kahit anong halalan sa panghinaharap na panahon.

​​Nananawagan ang Taliba sa Commission on Elections o Comelec tungkol sa garapalang paglabag sa batas-halalan sa Malabon City. Ang mga pasimuno ng paglabag sa batas at dapat sampahan ng reklamo.