Mananaya sa Marikina nanalo ng P29M

206 Views

ISANG mananaya sa Malanday, Marikina City ang nanalo ng P29 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola noong Linggo ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 36-29-35-16-03-17.

Samantala, nanalo naman ng tig-P50,000 ang 18 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Tig-P1,200 naman ang tinamaan ng 711 mananaya na naka-apat na numero at tig-P50 ang 5,493 mananaya na nakatatlong numero.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo. Ang premyo na mahigit P10,000 ay papatawan ng 20% buwis. Ni MAR RODRIGUEZ