Calendar

Malapitan, lokal na opisyal ng Caloocan City ininderso si Villar
ININDERSO ni Caloocan City 1st Dist. Rep. Oscar “Oca” Malapitan at mga lokal ang kandidatura ni House Deputy Speaker at Nationalista Party (NP) Senatorial bet Camille A. Villar matapos nitong bisitahin ang nasabing Siyudad para sa kaniyang campaign sortie.
Dahil dito, hinikayat ni Malapitan ang libo-libo nitong suporters mula sa 188 Barangay na suportahan ang kandidatura ni Villar.
“Sa mga taga Caloocan, kami ay nakiki-usap na tulungan natin si Camille Villar. Matagal kong nakasama ang kaniyang pamilya mula noon ako’y unang congresman hanggang ngayon. Malaki ang tinulong ng mga Villar sa Lungsod ng Caloocan,” sabi ni Villar.
Ayon kay Malapitan, iniindorso nilang mag-ama si Villar dahil sa napakalaking naitulong ng mga Villar sa Caloocan City.
“Kaya eto kaming mag-ama. Kumakampanya kay Camille dahil talagang marami silang naitulong sa aming mga taga-Caloocan City,” wika pa ni Malapitan.
Sa kaniyang paglilibot sa Caloocan City, mainit na sinalubong ng libo-libong residente si Villar habang isinasagawa nito ang motorcade kasama ang mag-amang Malapitan.