PCSO

Mananaya sa QC nanalo ng P22M sa Lotto

87 Views

Isang mananaya sa Quezon City ang nanalo ng P22.8 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola noong Agosto 5.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nanalo ay tumaya sa Liberty Ave., Murphy, Brgy. Socorro.

Isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 34 – 35 – 24 – 20 – 36 – 39 ayon sa PCSO.

Nanalo naman ng tig-P24,000 ang 11 mananaya na nakalimang numero samantalang P800 ang tinamaan ng 790 mananaya na nakaapat na numero. Ang mga nakatatlong numero naman ay tig-P20.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.