Isko

Manifesto para sa patas na halalan pinirmahan nina Isko, VM mate

Edd Reyes Mar 20, 2025
21 Views

LUMAGDA sa manifesto ang buong tiket ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang suporta laban sa pamimili at pagbebenta ng boto para sa malinis at patas na halalan sa Mayo 12.

Kasama ni Domagoso ang kanyang running mate na si Chi Atienza, mga kandidato sa pagka-kongresista at konsehal.

Inorganisa ng Commission on Elections (Comelec) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang seremonya na dinaluhan ng mga kinatawan ng Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Manila City Social Welfare Department.

Bukod kay Domagoso, dumalo rin sa event ang mga kinatawan nina Mayor Honey Lacuna at Sam Versoza.

Prayoridad ni Domagoso sakaling makabalik ang linisin ang Maynila at bigayng kapanatagan ang mga mamamayan. Pag-iigtingin din niya ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, pabahay at kapakanang panlipunan.