Gloria Romero

Manila mayor nakiramay sa pamilya ni Gloria Romero

Edd Reyes Jan 26, 2025
27 Views

NAKIKIDALAMHATI si Manila Mayor Honey Lacuna sa naulila ng tinaguriang Reyna ng Philippine Cinema na si Gloria Romero na pumanaw noong Sabado sa edad na 91.

“As Mayor of Manila, the cradle of Philippine movies and home of the country’s first movie theaters, I join Manileños and the Filipino nation in mourning the passing of Gloria Romero,” pahayag ni Mayor Lacuna.

Ayon sa alkalde, iginalang ng mga Pilipino si Romero dahil sa maraming henerasyon, hinangaan ito hindi lamang dahil sa galing sa pag-arte kundi sa kakaibang kagandahan.

Nagdeklara ng tatlong-araw na pagluluksa sa Maynila simula Enero 26 hanggang Martes Enero 28.

“Please note that this is not a public holiday, and work and classes will proceed as usual.

I ask the flag ceremonies on Monday, January 27, to include prayers for Gloria Romero, her family, colleagues and fans,” dagdag pa ng alkalde.