Remulla

Marcos admin iginiit climate justice and accountability

233 Views

IGINIIT ng Marcos administration ang panawagang climate justice and accountability sa mga mayayamang bansa.

Sa kanyang pagharap sa United Nations Human Rights Council’s (UNHCR) regular Universal Periodic Review (UPR) sa Geneva, Switzerland, muling iginiit ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang panawagan na lakihan ng mga mayayamang bansa ang tulong na ibinibigay nito sa mga bansa na naaapektuhan ng pagbabago ng panahon.

“The Philippines reiterates its call for climate justice – for developed countries to increase financing for mitigation, adaptation and loss and damage for developing countries. We expect nothing less from our friends and partners that have been the beacon of human rights and justice the world over,” sabi ni Remulla.

Bukod sa tulong, sinabi ni Remulla na dapat lahat ng bansa ay tumulong sa pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan.

“Environmental rights defenders are partners in promoting climate goals, and their freedom and safety should certainly be protected. But let us not lose sight of the bigger issue, which is, that all countries must faithfully and urgently fulfill their international obligations on climate action,” dagdag pa ng kalihim.

Nauna rito, iginiit ni Marcos sa UN body sa New York City na ang climate change adaptation ay isa sa prayoridad ng kanyang administrasyon.