Remulla

Marcos admin nagdeklara ng giyera kontra child exploitation

220 Views

NAGDEKLARA ng giyera kontra sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) ang Marcos administration.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla hindi mangingimi ang administrasyon na kasuhan ang mga indibidwal na sangkot sa paggawa ng karumal-dumal na krimen na ito.

“We’re declaring a war on this… Lahat ng pwedeng gawin ng bansa, 100% of law enforcement is here and 100% of jails and correctional facilities are here,” sabi ni Remulla.

Makakatulong ng DOJ sa kampanya ang Department of Information and Communications Technology (DICT), National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP).

Sinabi naman ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na nagpapatuloy ang problemang ito at panahon na upang pagtuunan ito ng pansin ng gobyerno.

“Naka-focus tayo sa pandemic, we focused on the war on drugs, we focused on graft and corruption… Matagal nang problema ito, hindi lang naa-address because we’re so busy with other problems,” sabi ni Tulfo.

Mula Marso hanggang Mayo 2020, iniulat ng DOJ ang 264 porsyentong pagtaas sa bilang ng mga kaso ng OSAEC. Sa naturang panahon ipinatupad ang lockdown sa bansa kaugnay ng COVID-19 pandemic.