BBM1

Marcos admin prayoridad kaunlaran ng 2 bagong probinsya

173 Views

PRAYORIDAD umano ng administrasyong Marcos ang pagpapa-unlad sa mga bagong probinsyang Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.

Sa panunumpa sa tungkulin ng mga opisyal ng dalawang probinsya, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na susuportahan nito ang dalawang probinsya sa pagtugon sa mga problema na kanilang kinakaharap.

“So asahan ninyo na ang national government, ay kami naman talaga ay malaking priority sa amin, malaking bagay sa amin na ito’y maging maayos dahil makakapagdala na tayo ng development sa iba’t ibang lugar na kung dati ay hindi pa natin nagawa, ngayon ay magagawa na natin and that is why this is so important to give because this is a grand opportunity,” ani Pangulong Marcos.

“And that is why it is of high priority that all of these be a success. You can count on us, you can count on me. And I think that we know each other well enough that we can trust each other to be in partnership with the success of both our new provinces,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.

Ayon sa Pangulo normal lamang na makaranas ng birthing pains ang dalawang probinsya kasama na dito ang pag-organisa sa dalawang probinsya na hinati mula sa dating probinsya ng Maguindanao.

“Although we are presently still in transition, I think that we have an opportunity to make that transition most advantageous to all of us because ang maganda siguro, masasabi natin kapag may bagong probinsya, may bagong constituency, may bagong LGU,” dagdag pa ng Pangulo.

Kasama sa mga itinalaga sa puwesto ni Pangulong Marcos sina Maguindanao del Norte Governor Abdulraop Abdul Macasena, Vice Gov. Fatima Ainee Limbona Sinsuat, board members Armando Mastura, Mashur Ampatuan Biruar, Datu Rommel Seismundo Sinsuat, Alexa Ashley Tomawis, at Aldulnasser Maliga Abas.

Mula naman sa Maguindanao del Sur naman ay sina Gov. Mariam Sangki Mangudadatu, Vice Gov. Nathaniel Sangacala Midtimbang, board members Bobby Bondula Midtimbang, Ahmil Hussein Macapendeg, Yussef Abubakar Musali Paglas, Alonto Montamal Baghulit, at Taharudin Nul Mlor.

Noong 2021, nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act No. (RA) 11550 na naghahati sa Maguindanao.