Mariveles HS pambato ng Bataan sa world’s best school

Christian Supnad Jun 19, 2025
19 Views

MARIVELES, Bataan–Finalist ang Mariveles National High School (MNHS-Poblacion) sa World’s Best School Prizes 2025 sa kategoryang “Supporting Healthy Lives” dahil sa programang Changing Lives Through Sports noong 2010 na libreng summer sports clinic.

Ito ang ipinahayag ni Gov. Joet Garcia na ayon sa kanya’y kaugnay ng kanilang Special Program in Sports (SPS) na layong hubugin ang mga kabataang atleta upang maging kampeon hindi lamang sa sports kundi pati na rin sa buhay.

Upang masiguro na makamit ang parangal, inaanyayahan ng gobernador ang lahat na iboto ang MNHS Poblacion.

“Ngayon pa lamang po ay binabati na natin ang bumubuo ng MNHS Poblacion sa pangunguna ni Dr. Marijoy Mendoza, school principal, para sa tagumpay na ito,” dagdag ng gobernador.

Samantala, nakatakdang magiging “premier destination for triathletes” matapos ilunsad ang “the 5150 FAB Triathlon Season ang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) na nasa ilalim ni Administrator and CEO Hussein Pangandaman.

Sinabi ni Pangandaman na ito ay isang milestone para sa AFAB sa Bataan at naghahanda na sila para i- host ang kauna unahang Olympic distance triathlon.

Kasama ang Ironman Group’s Sunrise Events Inc., sinabi ni Pangandaman na ang inaugural 5150 FAB Triathlon ay nakatakda na sa Nov. 16