Bersamin

Marso 16 idineklarang special non-working holiday sa Negros Oriental

176 Views

IDINEKLARA ng Malacañang na special non-working day sa Negros Oriental ang Marso 16 bilang pagkilala sa pinaslang na si Gov. Roel Degamo.

Ang Proclamation 185 ay pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, batay sa kapangyarihang iginawad sa kanya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Layunin ng deklarasyon na mabigyan ng pagkakataon ang probinsya na makapagluksa sa pagpanaw ng kanilang gubernador.