Oath1

MASS OATH TAKING NG MGA OPISYAL MULA MARINDUQUE

19 Views

Ipinanumpa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga bagong halal na lokal na opisyal mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa isang simpleng seremonya na ginanap noong Huwebes ng hapon sa Mt. Fuji Restaurant, Manila Polo Club, Makati City. Kabilang sa mga nanumpa sina Manila Councilor Fog Abante at Batangas 4th District Board Member Marcos Dominic Sarmiento Mendoza. Nanumpa rin ang ilang bagong halal na opisyal mula sa Lalawigan ng Marinduque, sa pangunguna ni Vice Governor Romulo Aguinaldo Bacorro Jr. Kabilang sa mga opisyal ng Bayan ng Boac na nanumpa ay sina Mayor Armi Dela Cruz Carrion, Vice Mayor Mark Anthony Estrada Seno, Pambansang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan President John Mark Manrique Jayag, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Mark Angelo Loto Jinang, Luisito Solano Laylay, Wilson Waquiz Mabute, Gilmer Majaba Manguera, at Aljenic Andrew Solomon. Kasama rin sa mga nanumpa sina Mogpog Mayor Senen Livelo Jr. at Sta. Cruz Mayor Marisa Red Martinez, pati na ang tatlong konsehal ng bayan: Noralyn Dulnuan, Rustico Reynoso Jr., at Atty. Revo Joshua Red. Kuha ni VER NOVENO