Calendar
Matagumpay na soft opening ng OFW Lounge ipinagbunyi
PINAPURIHAN ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Migrant Workers (DMW) at Manila International Airport Authority (MIAA) dahil sa matagumpay na “soft opening” ng OFW Lounge sa NAIA Terminal 1.
Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang pag-iinspeksiyon sa Overseas Filipino Workers (OFW) Lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong January 14, 2024 matapos ang ilang buwang renovation at praparasyon.
Sinabi ni Magsino na ang naganap na “soft opening” ng OFW Lounge ay resulta ng kaniyang pagsisikap at pagpupunyagi na na magkaroon ng lugar para sa mga OFWs at kanilang pamilya habang naghihintay ng kanilang flight na tinugunan naman ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Magsino, ikinagagalak nito sapagkat sa wakas ay nagbunga rin ang kaniyang mga pagsisikap matapos tugunan ng DOTa ang kaniyang kahilingan noong nakalipas na budget deliberations na kailangang magkaroon o maglagay ng OFW Lounge sa mga international airports.
Nauna rito, inihain ni Magsino ang House Resolution No. 1305 sa Kamara de Representantes na naglalayong magkaroon ng pagdinig patungkol sa paglalagay ng OFW Lounge sa mga international airports gaya ng NAIA.
“The OFW Party List has been closely working with OWWA, DMW, MIAA and DOTr on the establishment of our OFW Lounges in our international airports particularly in NAIA Terminals 1 and 3. During the inspection we saw the exhaustive preparations at the proposed Lounge in NAIA Terminal 1,” ayon kay Magsino.
Iminumungkahi naman ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na maging “institutionalize” na ang paglalagay ng mga OFW Lounge. Hindi lamang aniya sa Metro Manila, bagkos ay maging sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas para makapag-bigay ng kaginhawahan para sa mga OFWs.