Maxene Magalona

Maxene tinuruan ni Francis M na wag mangmata ng kapwa

Aster A Amoyo May 3, 2024
118 Views

TINANONG si Maxene Magalona kung ano ang favorite memory niya kasama ang namayapang ama na si Francis Magalona.

“My favorite memory of him is when he would pick me up from school in Katipunan and we would drive going back to Antipolo just the two of us. Kasi doon siya magbibigay sa akin ng mga tidbits and nuggets of wisdom, habang pauwi,” pagbalik-tanaw ni Maxene.

Ayon kay Maxene, ang kanyang ama ang nagturo sa kanya noon na maging humble at huwag mangmata ng kapwa.

“He would talk about ‘yung trabaho namin that we shouldn’t look down on other people just because we’re appearing on television,” diin pa niya.

Para sa aktres, ito rin ang gustong iparating na mensahe ng isa sa mga awitin ni Francis M na “Kaleidoscope World.”

“He made sure na naiintindihan ko ‘yon that we were not more special or more important na lahat tayo’y pantay-pantay and this is what he would sing about in ‘Kaleidoscope World’ right?” pagtatapos ni Maxene.

Dingdong masaya kay Charo

MASAYA si Dingdong Dantes sa ginagawa nitong pelikula with Charo Santos-Concio.

May title itong Love After Love na sinulat at dinirek ni Irene Villamor na nakatrabaho ni Dong sa 2018 film na Sid and Aya with Anne Curtis.

“Nagsimula na kami kaya sobrang excited ako rito kasi matagal na talagang naplano ito at isang karangalan talaga na makasama sa screen si Miss Charo Santos kaya talagang looking forward ako rito,” ayon kay Dingdong.

At the same time, may pelikula rin ang misis niyang si Marian Rivera na Balota para sa Cinemalaya.

Sey ni Dong: “Talagang excited na excited siya rito sa pelikulang ito dahil nandoon na rin siya sa punto ng kanyang buhay na gusto niya ring gumawa ng mga edgy, ng mga challenging at makabuluhang mga proyekto and I think ‘yung pelikulang Balota is isa sa mga ‘yun.”

Voltes V magbabalik

ISA sa pinakahihintay na comeback ngayong summer ang muling pagpapalabas ng megaseries na Voltes V: Legacy.

Bagong henerasyon ng mga manonood ang muling mahuhumaling sa matitinding action scenes at nakamamanghang graphics nito.

Award-winning at 100% na gawang Pinoy ang graphics ng serye na nagkamit ng dalawang parangal mula sa Singapore-based international award-giving body na Asian Academy Creative Awards noong taong 2023.

Hinirang ng Voltes V: Legacy bilang Best Animated Program or Series (2D or 3D) at Best Visual or Special FX in TV Series or Feature Film.

Ikinatuwa naman ni series director Mark Reyes ang mga awards na natanggap ng serye.

“@voltesvlegacy wins the national award for Best Animated Program or series and for Best Visual or Special FX in TV Series or Feature films at the @asianacademycreativeawards @gmanetwork #toeijapan #telesuccess To God Be The Glory!” post niya sa Instagram.

Let’s volt in again sa hapon kasama ang Voltes V: Legacy, simula May 6, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.