Suspek

May boga palakad-lakad, tiklo

Edd Reyes May 19, 2025
18 Views

BogaKULONG ang inabot ng isang lalaki nang mahuli na palakad-lakad sa kalsada habang may baril noong Linggo sa Caloocan City.

Dakong ala-1:00 ng madaling araw, ayon sa ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, naispatan ng mga pulis ang lalaking may dalang baril na ang itsura tumutugma sa deskripsiyon ng nagsumbong sa Gumamela St. Brgy. 185.

Nang makatunog ang suspek na si alyas Tenga, inihagis niya sa gilid ng bangketa ang kalibre .38 revolver na may dalawang bala at nahuli na rin siya.

Kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines) ang isinampa ng mga pulis sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.