Calendar

May bogang dala sa motor, rider, angkas arestado
NAHULI ng mga pulis ang rider at kanyang angkas na may dalang baril nang takasan at muntik pang sagasaan ang humarang na pulis sa Valenzuela City.
Nakorner ang 21-anyos na mekaniko at angkas na 19-anyos na automotive student nang pasukin nila ang dead-end na kalye sa Brgy. Gen. T. De Leon pasado alas-10:00 ng gabi noong Miyerkules, ayon sa report.
Ayon kay P/Col. Nixon Cayaban, hepe ng pulis, pinara ng mga tauhan ng Police Sub-Station-2 na nagsasagawa ng Oplan Sita sa harap ng Gen. T. De Leon National High School ang mga suspek na sakay ng walang plakang motorsiklo subalit sa halip na huminto, humarurot patakas na dahilan para sila tugisin,
Matapos masukol, nakumpiska ng pulisya sa estudyanteng naka-angkas ang walang papeles na kalibre .9mm pistol, anim na bala habang ini-impound naman ang gamit na motorsiklo na wala ring kaukulang dokumento.
Nahaharap sa mga kasong Resistance and Disobedience to a Person in Authority ang mga suspek habang karagdagang paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition in relation to Omnibus Election Code ang isasampa sa 19-anyos na estudyante sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.