Lacuna

Mayor Honey: Pamimigay ng lupa, pagbibigay ng dignidad

Edd Reyes Apr 4, 2025
19 Views

IPINAGMALAKI ni Manila Mayor Honey Lacuna na umabot na sa 775 ang naipamahagi niyang titulo sa ilalim ng Land for the Landless Program (LLP) ng lungsod.

“This is clear proof of our performance. The record number of 775 LLP awardees is the highest since the term of the late former mayor Alfredo Lim when there were 424 title awardees,” pahayag ni Lacuna.

Ayon pa kay Mayor Lacuna, 15 ulit na mas malaki ang 775 na naipamahagi niya sa mga benepisyaryo ng programa kumpara sa 52 lamang na benepisyaryo na nabigyan ng titulo ng pinalitan niyang dating alkalde na lumalaban uli ngayon.

Kinilala rin ni Mayor Lacuna ang mga naipamahaging titulo ng administrasyon noon ng naging alkalde rin na si dating Pangulong Joseph Estrada na umabot sa 198.

“I share credit with the Manila Urban Settlements Office (MUSO) and its chief, Atty. Danilo de Guzman.

They worked hard and focused on the many details to achieve our record level of 775 Land for the Landless Program awards.

They negotiated with 15 estates that are the source of the lands subdivided for the awardees,” sabi pa ni Lacuna.

“Hindi lang basta pamimigay ng lupa ang ginagawa natin. Ito’y pagkakaloob ng dignidad, seguridad at pag-asa sa bawat pamilyang Manileñong matagal nang nangangarap magkaroon ng sariling lupa.

Ang bawat titulo simbolo ng progreso at pagkakapantay-pantay sa ating lungsod,” sabi ng alkalde.