Mayor Honey

Mayor Honey: ‘Safe dito sa Manila’

Edd Reyes Mar 9, 2025
16 Views

NANINDIGAN si Mayor Honey Lacuna na tama ang rekord ng Manila Police District (MPD) na mababa ang insidente ng krimen sa Maynila kung ikukumpara sa populasyon ng lungsod.

“Huwag po kayong maniwala sa mga naghahasik ng takot na kesyo mataas daw ang krimen at hindi raw safe dito sa Maynila.

Isipin po ninyo ito: Ang populasyon ng Maynila dalawang milyon. Ikumpara nyo po iyan sa 78 reported crime incidents sa buong buwan ng February.

Opo, 78 lang, ni hindi pa umabot ng 100,” sabi ni Lacuna.

Nilinaw ng alkalde na ang mga krimen sa Maynila na nahahagip ng CCTV dahil sa sigasig ng mga mamamahayag na kumakalap ng balita lalo na’t malawak ang sistema ng CCTV sa lungsod.

“Ginagawa lang po ng mga journalist ang kanilang trabaho at nagpapasalamat po tayo sa airtime na ibinibigay nila sa ating lungsod,” sabi ni Mayor Lacuna.

Ipinaliwanag ng alkalde na ang Manila ang nagkakaloob ng National Tax Allotment o dating Internal Revenue Allotment (IRA) sa mga barangay bilang pondo.

Ang mga barangay ang nagtatakda ng mga prayoridad na gugugulan nito at isa rito ang paglalagay ng mga CCTV sa kanilang barangay para sa kaligtasan na rin ng mamamayan.

Kumpiyansa ang alkalde na mas bababa pa ang krimen sa Manila hanggang Hunyo dahil sa pinaigting na police at barangay patrol visibility.

“February is the first full month of checkpoints this year. In those 28 days, there were only 78 crime incidents reported by the 14 police stations in Manila.

Compare that to February last year when there were 101 incidents. We, therefore, had a 22.7% drop in crime. These are the truthful facts, not made-up numbers like those of numbers circulating in social media,” sabi ng alkalde.

Pinuri ng alkalde ang mga presinto ng pulis at barangay lalo na sa Baseco, Pandacan, Ermita at Tondo na nakapagtala ng zero hanggang isa lang na krimen sa buong Pebrero habang tig-tatlo sa Delpan, Barbosa at Meisic police stations.

“In the last quarter of this year, I also anticipate heightened police presence because of the Barangay and SK elections when there will also be checkpoints to deter crimes,” dagdag ni Lacuna.