Calendar
Mayor Honey sinisi ex-garbage contractor sa tambak ng basura sa Maynila
IBINATO ni Manila Mayor Honey Lacuna ang sisi sa dating garbage contractor, ang Leonel Waste Management Corp., tungkol sa tambak ng basura na hindi nahahakot na ngayo’y gabundok na sa maraming lugar ng siyudad.
“Ang nagdaang Pasko at Bagong Taon nagdulot ng 400 percent na pagtaas sa dami ng basura sa Maynila na inabandona na lang bigla ng dating contractor.
Dahil po dito, mariin kong iniutos sa ating mga bagong collectors ang walang patid na paghahakot ng basura—24/7,” pahayag ni Mayor Lacuna.
Tiniyak din ng alkalde na pananagutin niya ang Leonel Waste Management Corporation at iba pang responsable sa pamamaho ng maraming lugar sa Maynila dulot ng nagtambak na mga basura.
“Makakaasa po kayong hindi ko palalampasin ang pananabotaheng ito at mananagot ang mga sangkot dito.
Katulad po ng una nating sinabi, ang kapabayaan ng nakaraang garbage collector aayusin natin, kung kaya’t dalawa na po ngayon ang humahakot ng basura sa lungsod–ang MetroWaste at PhilEco,” dagdag pa ng alkalde.
Bukas ang linya ng telepono ng Department of Public Services (DPS) at Task Force Against Road Obstruction na pwedeng tawagan ng publiko upang i-report ang hindi nakokolektang basura sa kanilang lugar.
Limang ikot ang ginagawa ng trak ng basura ng PhilEcos sa bawa’t lugar na may nakatambak na basura bagama’t isinumbong din nila na bumabagal ang kanilang biyahe dahil sa mga nakakasagabal na mga vendors at palaboy sa mga lansangan.
Humingi na ng tulong sa city hall ang PhilEco upang malinis sa mga nagkalat na vendors at iba pang sagabal sa mga daan patungo sa mga pampublikong pamilihan at paligid nito,