Isko Larawan: Isko Moreno Domagoso/FB

Mayor Isko: Summer Pride selebrasyon ng pagtanggap, pagkapantay-pantay

71 Views

DUMALO si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa pagdiriwang ng Summer Pride 2026 ng lungsod sa Remedios Circle, kung saan muling iginiit ang mensahe ng pagkakapantay-pantay at pagtanggap.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng alkalde: “Pride is for everyone — a celebration of love, respect, and acceptance in all forms here in the Nation’s Capital!”

Kasabay ng selebrasyon, nilagdaan din ni Domagoso ang City Ordinance No. 9179 na muling bubuo at magpapalakas sa Manila HIV-AIDS Response Council, na nakatuon sa mas maayos na koordinasyon ng prevention, testing, treatment, at iba pang serbisyong pangkalusugan.

Ayon sa Manila Public Information Office, layunin ng ordinansa na paigtingin ang pagtugon sa mga usapin ng STI, HIV, at AIDS, kabilang ang information campaigns para sa mga residente ng lungsod.

Ang Manila Summer Pride 2026 ay dinaluhan ng iba’t ibang sektor at grupo bilang pagpapakita ng suporta sa inclusivity at karapatan ng bawat isa.