Calendar
Mayor Joy Belmonte inihayag na nagpapatupad ang lokal na pamahalaan ng estratehiya para sugpuin ang dengue sa QC
INIHAYAG ngayon ni Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte na kasalukuyang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ang iba’t-ibang estratehiya sa lahat ng lugar sa Lungsod upang sugpuin ang paglaganap ng “dengue” sa pamamagitan ng “search and destroy operations”.
Inatasan din ni Mayor Belmonte ang Quezon City Health Department (QCHD) na pangunahan ang operasyon laban sa “dengue” kasama ang lahat ng Barangay officials at mamamayan sa iba’t-ibang Barangay.
Sinabi ni Belmonte na prayoridad ng kanilang operasyon ang mga Barangay at lugar kung saan mataas ang bilang ng kaso ng “dengue”.
“Our goal is to ensure that our citywide anti-mosquito protective measures are implemented and enforced. While also educating all residents to encourage personnel protections,” sabi ni Mayor Belmonte.
Ipinaliwanag pa ng Alkalde na sa ilalim ng kanilang operasyon na “search and destroy strategy”, kikilos ang buong komunidad para hanapin ang mga potensiyal na “mosquito breeding sites” sa pamamagitan ng paglilinis sa mga lugar na pinagtatambakan ng mga basurang lata, bote, sirang mga gulong ng sasakyan at mga basag na paso ng halaman.
Kaugnay nito, hinihikayat naman ni QCHD Chief Dr. Esperanza Arias ang mga residente na sundin ang iba ang protocol ng “4s” kabilang dito ang pagsusuot ng pantalon, long sleeves, at araw-araw na paggamit ng “mosquito repellent at pag-spray sa mga malamok na lugar.
“We have made rapid dengue diagnostic kits available in all our health centers to ensure that all cases are screened and managed appropriately. Early detection and access to appropriate care reduces the likelihood of severe dengue or death,” sabi ni Dr. Arias.