Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Calendar
Metro
BOC nakakolekta ng lagpas sa target
Peoples Taliba Editor
Aug 2, 2022
457
Views
NAKAKOLEKTA ang Bureau of Customs (BOC) noong Hulyo ng kabuuang P84.424 bilyon, lagpas ng 38.9 porsyento sa target nitong P60.78 bilyon.
Ayon sa BOC Financial Service bahagi ng nakolekta ang Tax Expenditure Fund (TEF) na nagkakahalaga ng P1.128 bilyon at Post Clearance Audit Group (PCAG) na nagkakahalaga ng P527.65 milyon.
Mula Enero ay umabot na ang koleksyon ng BOC sa P481.139 bilyon lagpas sa target nitong P388.59 bilyon para sa unang pitong buwan ng taon.
Ang nakolekta sa unang pitong buwan ng 2022 ay mas mataas din ng 34.1 porsyento kumpara sa nakolekta sa kaparehong panahon noong 2021 na nagkakahalaga ng P358.915 bilyon.
Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Pulis sinapak, dinuraan sa kaguluhan sa Malate
Jul 15, 2026

