Bautista

2 dagdag na istasyon ng EDSA Busway binuksan ng DOTr

161 Views

BINUKSAN ng Department of Transportation (DOTr) ngayong araw, Agosto 4 ang dalawang dagdag na istasyon ng EDSA Busway.

Pinangunahan ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista ang pagbubukas ng Roxas Boulevard at Taft Avenue Busway stations.

“Dito po sa Department of Transportation (DOTr) hindi po tayo titigil. Mag-iisip tayo ng paraan para magkaroon po ng accessible, affordable, convenient and safe travel para sa ating lahat,” sabi ni Bautista.

Ang Busway ay binuo upang mas maging mabilis ang biyahe ng mga commuter sa EDSA.

Ang daan ng mga bus ay inilagay sa gitna at hindi maaaring daanan ng pribadong sasakyan ang lane na nakalaan para rito.

Mula sa dalawa hanggang tatlong oras ay naging isang oras at kalahati na lamang ang biyahe mula Monumento sa Caloocan hanggang sa Mall of Asia sa Pasay City.