Calendar
Mayor Lacuna ipinagmalaki mataas na kalidad ng edukasyon sa PLM at UDM
IPINAGMALAKI ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagkakaroon ng 25 bagong certified public accountants na nagtapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad De Manila (UDM), bukod pa sa 77 mga bagong guro na nakapasa sa licensed professional teachers, batay sa pinakahuling resultang inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC).
“PLM has one topnotcher on the CPA boards in the person of Abdul Wahab Busara Ibrahim, who claimed 9th Place. He leads the total 20 new CPAs of PLM,” sabi pa ng alkalde kung saan lima ay nagmula naman sa UDM.
Binigyang diin pa ni Mayor Lacuna na 45 mga bagong abogado na nakapasa sa bar examination ang nakapagtapos sa PLM, batay sa inilabas na resulta ng pagsusulit nitong Biyernes ng Korte Suprema.
Isa pa aniyang indikasyon ng mataas ang kalidad ng edukasyon ay ang Academic Excellence Award na ipinagkaloob ng Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation.sa UDM.
“UDM earned the Academic Excellence Award for the second year in a row last week because of its 100% passing rate in the licensure examinations for nurses last May and for social workers last September,” paliwanag ng alkalde.
Ang resulta rin aniya ng bar exams at Licensure Exam for Teachers o LET ng mga nagtapos sa PLM ay nagpapatunay na mataas at katangitangi ang kalidad ng edukasyon, guro at estudyante.
Binanggit ng alkalde na nasa pang-apat ang PLM sa 17 law schools na may 51 hanggang 100 kandidato sa bar at may passing rate na 84.91% sa bar exams ngayong taon.
Mataas aniya ang passing rate ng PLM na 89.71% sa LET para sa secondary education teachers na may 61 ang pumasa,