Roanna

Mayor Roanna Conti nakatanggap ng buong suporta sa San Pascual, Batangas

36 Views

SAN Pascual, Batangas–Buo ang suporta kay Mayor Roanna Conti ng mga tao dito sa muling pagtakbo ng pulitiko bilang alkalde.

Hindi na sikreto ang dating hidwaan sa pagitan ng kampo ni Conti, Mayor Tony Dimayuga at Congressman Raneo Abu.

Sa harap ng libo-libong mamamayan, nabura ang hidwaan at ipinakita ang isang malinaw na mensahe: “Para sa bayan, nagkakaisa kami.”

Ang pormal na pag-endorso ng tatlong lider naganap kasunod ng pagkadiskwalipika ng kandidatong sinusuportahan noon ni Mayor Dimayuga.

Sa puntong ito, naging dalawang kandidato na lang ang naghaharap: si Mayor Roanna Conti at si Castillo.

Ayon sa isang political analyst, ang ganitong klase ng unification bihira sa pulitika. Pero pinakita ng San Pascual na pwede pala na ang pamumuno hindi lang tungkol sa kapangyarihan kundi sa pagkakaisa para sa kabutihan ng mas nakararami.”

Base sa tala ng Commission on Elections (COMELEC), may humigit kumulang na 44,500 rehistradong botante sa San Pascual.

Sa inaasahang 80% voter turnout, humigit-kumulang 35,600 katao ang boboto sa halalan. Ibig sabihin, ang kailangan para manalo 17,801 boto.

Dahil sa suporta mula sa kampo ni Mayor Dimayuga na may estimated 8,000–10,000 solid votes, kahit 50% lang nito ang mailipat kay Conti, may dagdag siyang 4,000–5,000 boto.

Ang projected total votes para kay Conti ngayon aabot ng 19,000–20,000, na mas mataas sa winning threshold.

Binigyang-diin ng kampo ni Mayor Roanna na hindi sila umaasa sa paayuda o pansamantalang tulong para makuha ang boto ng tao.

Ang kanyang administrasyon nakatutok sa pangmatagalang solusyon, tunay na serbisyo, at institusyonalisadong programa.

Ayon sa mga residente, kahit noong una pa, kung hindi lang natalo ni Mayor Tony si Conti noong nakaraan, matagal na sanang naituloy ang maganda niyang pamamahala.