sara Kasama ni Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte (5th left) sina San Miguel Mayor Roderick Tiongson (center), gubernatorial candidate Wilhelmino Sy Alvarado (5th right), councilors, barangay officials, health workers at community leaders sa Sara Para sa Barangay program na ginanap sa multipurpose gym ng School of Mount St Mary sa San Miguel, Bulacan. Nagdeklara si Tiongson at 49 barangay chairmen ng buong suporta kay Duterte. Kuha ni VER NOVENO

Mayor Sara sa mga Bulakenyo: Trinidad Tecson hugutan ng inspirasyon

295 Views

MAAARI umanong hugutan ng inspirasyon ang bayaning si Trinidad Tecson para sa mas lalo pang mahalin ang Bulacan at ang buong bansa.

Ito ang sinabi ni vice presidential frontrunner Sara Duterte sa kanyang pagbisita sa Bulacan, kung saan nag-ugat si Tecson na mas kilala bilang Ina ng Biak na Bato.

Si Tecson ay nagmula sa San Miguel de Payumo sa Mayumo, Bulacan, na isa sa mga tumulong kay General Emilio Aguinaldo noong panahon ng digmaan. Siya rin ay tinaguriang “Mother of the Philippine Red Cross” dahil sa kanyang pangangalaga sa mga Katipunero.

“Eto po ang lugar ng mga bayani at marami po ang ipagpapasalamat ng Pilipinas sa Bulacan dahil sinabi ko nung March na makbuluhan po ang celebration ng Uniteam na doon po kami sa Guiguinto dahil isa sa mga bayani nating babae ay nanggaling po dito sa San Miguel, Bulacan,” sabi ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na magandang paghugutan ng inspirasyon ang katapangan ni Tecson upang mas maging makabayan ang mga Pilipino.

“Sana makuhaan natin ng inspirasyon ang katapangan ni Trinidad Tecson, lalong-lalo na po sa mga kabataan natin na kababaihan na matuto sila na maging mainit sa pagmamahal nila sa Bulacan at sa buong Pilipinas,” dagdag pa ng mayor ng Davao City.

Sa kanyang mga mensahe, binibigyan-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagmamahal sa bansa.