Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Rep Villar

Mayor Wes Gatchalian nagpahayag ng suporta para kay Villar

Mar Rodriguez Apr 15, 2025
19 Views

Rep Villar Rep Villar Rep VillarNAGPAHAYAG ng solidong suporta si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian para kay House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Camile A. Villar matapos itong bumisita sa naturang Lungsod noong nakaraang Lunes (Abril 14).

Sabi ni Gatchalian na kapansin-pansin na ang mga kasalukuyang lider ng ating bansa ay mula sa henerasyon ng mga kabataan lalo na sa Kamara de Representantes.

Paliwanag pa nito na hindi aniya hadlang ang edad upang makapag-silbi para sa bayan na gaua ni Villar na mula aniya sa henerasyon ng mga millennial.

“Age is not a hindrance for us to serve even in high posts in the government. Before these (posts) are reserved for the very few, but now. Even in Congress. Even in the Cabinet and now even in the Senate. The younger generation are already there,” ani Gatchalian.

Kumpiyansa din si Gatchalian na sakaling mabibigyan ng pagkakataon si Villar na mahalal sa Senado. Naniniwala siya na ipagpapatuloy nito ang kaniyang magagandang programa hindi lamang para sa mga kabataang Pilipino bagkos para sa lahat ng mamamayan.

To God be the Glory