FMS Alumni Associations Kinumpleto sa kolaborasyon sa Anargyroi: FMS Foundation Inc., FMS Alumni Associations, at ibang benefactors, ang pitong palapag na gusali ay dinisenyo para maging center ng “simulation-based medical education, interactive student-centered learning, collaborative multidisciplinary research, and interprofessional education.” Andito rin ang Saints Cosmas and Damian Medical Simulation and Research Center.

Medical simulation, research hub binuksan sa UST

157 Views
fidelity mannequins
May mga consultation rooms na may iba’t ibang fidelity mannequins upang mahasa ang mga estudante sa kanilang gagampanan sa medisina sa darating na kinabukasan.
real-time observation and assessment
May mga kuwarto rin para sa debriefing para sa “real-time observation and assessment.”
high-stakes environment of healthcare
May teknolohiya na cutting-edge upang maihanda ang mga medical students sa “high-stakes environment of healthcare.”
Ang Henry Sy Sr. Hall
Ang Henry Sy Sr. Hall ay isang lugar kung saan magaganap ang medical breakthroughs.

BINUKSAN ng Henry Sy Foundation at ng University of Santo Tomas (UST) Faculty of Medicine and Surgery (FMS) ang Henry Sy Sr. Hall noong Setyembre 28, 2024, sa campus ng UST sa Maynila.

Naitayo sa tulong ng Anargyroi: FMS Foundation Inc., FMS Alumni Associations, at iba pang mga benepaktor, ang pitong-palapag na gusaling ito ay ginawa para magsilbing sentro ng simulation-based na edukasyong medikal, student-centered learning, multidisciplinary research, at interprofessional education. Kabilang dito ang Saints Cosmas and Damian Medical Simulation and Research Center.

Ang Henry Sy Sr. Hall ay sumasalamin sa layunin ng SM Group founder na si Henry Sy Sr., na naniniwala sa pagpapalakas ng kabataan sa pamamagitan ng edukasyon at pagtataguyod ng kultura ng kahusayan sa bansa.

“Throughout Mr. Sy’s life, he believed in the power of learning and the role it played in building a brighter future. Today, this hall embodies that belief, serving as a beacon of excellence for medical education and research, not just for UST but for the entire nation,” sabi ni Henry Sy Foundation executive director Dr. Lydia Echauz.

“By investing in infrastructure that enhances learning, we hope to empower future doctors and medical professionals to be well prepared to face the challenges of an ever-evolving health care landscape,” dagdag pa ni Echauz.

May high-tech na kagamitan ang gusali na tutulong sa mga estudyanteng medikal para hasain ang kanilang mga kasanayan at maging handa sa mabigat na hamon ng healthcare. Sa pamamagitan ng simulation, maaring ulitin ng mga mag-aaral ang mga kumplikadong scenario sa isang kontroladong kapaligiran para masiguro ang kaligtasan ng pasyente habang natututo mula sa kanilang mga pagkakamali.

Kasama sa mga pasilidad ng Henry Sy Sr. Hall ang simulated emergency rooms, surgical suites, delivery rooms, at iba’t ibang medical units na may kumpletong kagamitan.

“We stand at the intersection of tradition and innovation where the timeless values of healing, compassion, and service to others meet the cutting-edge advancements of modern medicine. The center for simulation in research is the beating heart of the Henry Sy Sr. Hall,” ayon kay UST-FMS Dean Assoc. Prof. Ma. Lourdes Maglinao.

Ang bawat bahagi ng pasilidad ay may advanced medical mannequins at interconnected audio-visual systems para ma-monitor ng mga guro ang sitwasyon ng mga kaso at ma-adjust ang mga ito base sa kumplikasyon ng mga medical cases. May mga control rooms at debriefing areas din para sa real-time observation at playback capabilities.

Mayroon ding extended-hours study area para sa mga estudyante na naghahanap ng ligtas at secure na lugar para mag-aral.

Dagdag pa rito, magsisilbi rin ang Henry Sy Sr. Hall bilang lugar para sa mga international scientific conferences, skills training, at workshops. Ito ay nakikitang magiging hub para sa collaborative research kung saan ang mga guro at estudyante mula sa iba’t ibang health-related na disiplina ay maaaring magtulungan sa pagbuo ng mga bagong kaalaman at teknolohiya sa larangan ng medisina.

Bukod sa mga pasilidad, mayroon ding coaching at mentoring areas para sa mental at academic support ng mga estudyante, lalo na ang mga nakakaranas ng mabigat na academic demands.

“The Henry Sy Sr. Hall aims to provide a robust ultrasound hands-on experience, fulfilling our vision to be a pioneering Southeast Asian center for integrated ultrasound for primary care physicians,” pagtatapos ni Dr. Maglinao, na naniniwalang ang mga kasanayan sa ultrasound ay magagamit ng mga medical graduates sa pagbibigay ng kalidad na health care kahit sa mga lugar na kulang ang serbisyo.