Calendar

Menor-de-edad na lalaki arestado sa 2 bilang ng gahasa sa Sta Ana
NAARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang lalaking menor-de-edad dahil sa two counts ng rape sa Sta. Ana, Manila noong Lunes.
Dahil menor-de-edad, kinilala lang ang suspek sa alyas na Boy.
Ayon sa ulat ni Police Captain Veronica Apresurado, hepe ng MPD Children and Women Protection unit, kay Police Lieutenant Colonel Damaso Burgos Jr., OIC ng Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD), bandang alas- 6:10 ng gabi nang damputin ang 17-anyos binatilyo sa Iridium St., Sta. Ana Manila.
Hinuli siya sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Jacqueline Martin-Balictar, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 9 ng Maynila.
Pinasalamatan ni National Capital Region Police Office chief Major General Anthony Aberin ang mga pulis sa pagresolba sa kaso sa panghahalay.