Garcia

Mga guro bibigyan ng bayad sa overtime service noong halalan

Arlene Rivera May 15, 2022
271 Views

BIBIGYAN ng dagdag na bayad ng Commission on Elections (Comelec) ang mga guro na inabot ng umaga sa kanilang mga presinto dahil sa nasirang vote counting machine (VCM) at hindi gumanang SD card.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia pinapa-aprubahan na sa Comelec en banc ang P20 milyon para sa overtime service ng mga piling guro.

Dahil nasira ang VCM o SD card, mayroong mga guro na nanatili sa kanilang mga presinto hanggang noong Mayo 10.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Comelec kaugnay ng mga nasirang VCM at SD card.

Umabot sa 1,867 presinto ang nahuli sa pagbibilang o pagta-transmit ng resulta dahil sa pagkasira ng VCM at SD card.