Calendar
Mga guro target ng car loan scam
NAGLABAS ng babala ang Department of Education (DepEd) kaugnay ng car loan scam na ang mga guro sa pampublikong paaralan umano ang target.
Ayon sa DepEd nasa 29 na guro na ang nabiktima ng Labas/Casa/Assume Balance/ Loan Accommodation scheme na pinaniniwalaang nagsimula sa Pampanga.
Batay sa imbestigasyon, hinihimok umano ng sindikato ang mga guro na kumuha ng car loan at sila na ang magbibigay ng down payment. Upang kumita ipapasok umano ang sasakyan sa transport network vehicle service.
Pero kapag nakuha na umano ang sasakyan ay maglalaho na ang mga salarin at maiiwan ang guro na siyang magbabayad ng sasakyan.
Nakikipag-ugnayan na umano ang DepEd sa mga ahensya ng gobyerno upang mahuli ang mga salarin at matulungan ang mga guro.
Maaari umanong makipag-ugnayan sa DepEd Public Assistance and Action Center sa kanilang e-mail: [email protected] o hotline: 863-1663 at 863-1943 ang iba pang nabiktima.