Bomb3 Ang mga pinasabog na vintage bomb sa Capas, Tarlac. JONJON C. REYES

Mga pampasabog dinispose sa Capas

Jon-jon Reyes Feb 17, 2026
249 Views

BombBomb1Bomb2Bomb4Bomb5

NAGSAGAWA ng disposal operation sa pamamagitan ng pagpapasabog ng Unexploded Explosive Ordnance (UXO), Explosives Remnants of War (ERW) at iba pang sumasabog na materyales ang MPD bomb disposal team sa pamumuno ni PCapt. Christopher R. Millan, OIC ng DECU MPD nitong Pebrero 10, 2026.

Mga 60 piraso ng sari-saring UXO, ERW at iba pang mga pampasabog na narekober sa Lungsod ang ng Maynila ang idinispose. Ang pinakamalaking pinasabog ay 155MM Projectile Round.

Kasama rin sa disposal operation ang mga hand grenade at maliliit na bala ng armas.

Ang mga bagay ay pinagsama-sama sa Regional EOD at Canine Unit NCR, na matatagpuan sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ang team mula sa RECU NCR sa pangunguna ni PMAJ Alejandro L Parta Jr. OIC, RECU NCR, at PCapt. Millan, ang nagsagawa ng bomb disposal operation sa Crow Valley Gunnery Range sa Bgy. Sta Juliana, sa Capas, Tarlac.

Natapos ang disposal operation bandang 4 p.m. ng Pebrero 12, 2026.