Ibay Nagsagawa ng final walkthrough ang MPD sa pamumuno ni P/BGen. Arnold Thomas Ibay at inaayos ang mga dadaanan ng prusisyon bilang seguridad sa Pista ng Itim na Nazareno.

Mga pulis ng MPD nag-walkthrough sa ruta ng Pista ng Itim na Nazareno

Jon-jon Reyes Dec 28, 2024
9 Views

Ibay1NAGKAROON ng walkthrough mula sa Quirino grandstand hanggang sa Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno at Saint John the Baptist Parish sa Quiapo noong Biyernes bilang paghahanda sa Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9, 2025.

Sa pangunguna ng mga opisyal ng Manila Police District (MPD), lumibot ang mga pulis kasama ang mga pari, hijos at mga barangay official.

Inalis ang mga sagabal at tinakpan ang mga butas sa imburnal na maaaring makasugat sa mga deboto na papasan sa Nazareno, ayon sa MPD.

May mga naka-antabay na mga pulis sa 14 na prayer stations sa bawat paghihintuan ng Nazareno bilang dagdag seguridad.

Nagpaalala si MPD chief P/Brig. Gen Arnold Thomas Ibay sa publiko at mga lalahok sa prusisyon na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga backpack, matutulis na bagay, mga nakainom, senior citizens, mga bata at mga buntis sa Pista ng Itim na Nazareno.