Marites Lang

Mga Sakripisyo sa Semana Santa

Marites Lang Apr 7, 2022
321 Views

UMPISA ng ating pagkabata, ang Holy Week o Semana Santa sa mga Katoliko ay ating inoobserbahan. At dahil next week ay Holy Week medyo pagbigyan natin ang sarili natin mag-reflect sabi nga. Nagsisimula tayo sa pangingilin tuwing Ash Wednesday.

Ang paalala sa atin ay “ashes to ashes, dust to dust” daw tayo. Sa abo or sa lupa daw kinuha tayo at sa abo din manunumbalik. Medyo bubusina ako kasi ito ay hindi inaargumento openly ng mga nananampalataya. Sa abo or sa lupa ba tayo nanggaling? Hindi ako Darwinian at hindi rin ako naniniwala na galing ako sa neanderthal or primate being kasi di ko yun talaga feel. Naniniwala pa din ako na merong Master Designer na ginawa tayo na kawangis nila- yung mga Heavenly Beings.

At feeling ko ay hindi sa soil tayo kinuha at hinulma. Napagbintangan pa ang Master Creator na nag-bake ng lupa para gumawa ng tao. Ouch naman! Can’t you get the thought that our Creator is more sophisticated than that? No argument sana tayo dito mga ate at kuya. No nega vibe kaya yung mga ginagawa naman ng mga deboto ng simbahan ay iginagalang natin. Chill lang tayo jan.

Sa iba namang mga intellectual ay tabi-tabi lang sana hindi literal na ipipilit natin na galing tayo sa mga nag evolve galing sa animalandia please lang ha. Pero payag na ako na sa chromosomes at hormones na galing sa mother at father ang nakuha natin sang-ayon sa genetics teacher ko. At hindi rin lahat ng natetegi ay nagdedecompose or nagiging abo. Merong mga nabigyan ng bendisyon na mga sage or mga sagradong mga tao na hindi naaagnas na nababasa sa mga nakatala sa mga kasulatan ng Roman Catholic Church.

Kaya huwag siguro natin gaano gawing basehan sa pamumuhay ang idea na galing tayo sa lupa. Baka naman type nyo isipin na Divine Energy ang nasa katauhan natin at me soul na galing sa kalangitan tayo, parang mga taga Heaven tayo naka assign magpaganda sa earth. Medyo mas gaganda ang pananaw sa buhay natin pag me ganyang factor sa equation ng ating existence di ba?

Bukod dito, sa Semana Santa – ang paghawak at pagwagayway ng Palaspas, na simbolo ng mga sakripisyo na Anak ng Dios na si Jesus Christ; ang Kanyang death and resurrection; ang fasting at abstinence o pagbabawas ng kain at pagsasakripisyo bilang ayuno; ang pagpunta sa kalimitan ay pitong simbahan o Visita Iglesia; at Pagsalubong sa Pasko ng Pagkabuhay; ang mga paniniwalang ito ay innate sa mga Katolikong Pinoy. Idagdag natin ang pabasa ng Pasyon at pagsasabuhay ng sakripisyo ni JC sa churches. Nakikita natin ito madalas.

Subalit ang pahalik sa mga santo, imahe at sa mga paa ng nageenact sa mga nakagisnang sakripisyo daw ni JC sangayon sa mga aklat at pabasa ay hindi gaano hygienic. Haler!!! Kadiri kaya humalik sa paa at bakit nila ginagawa yun? I don’t think na merong merits in heaven yun eh…At eto pa, yung mga nag eenact sa Passion of the Christ na nilalatigo nila sarili nila, sinusugatan at nagpapapako sa cruz ay medyo nakakalimot yata. Borderline eto mga Teh! The body is the temple of the Soul, please treat your body with kindness and respect.

Hindi naman ninyo mamasamain siguro kung yung mga nakapag obserba sa kultura ng ibang mga pananampalataya katulad ng mga Aztec, Squaw, mga Buddhists, Protestante, Jewish etc. ay maaaring makapagsabi na maaaring hindi natutuwa si Jesus Christ na nagoobserve somewhere up there sa pinaggagagawa ng ilang mga kapanalig natin na extremely violative sa ating katawan.

Kaya tuloy siguro tumagal ang quarantine dahil sa pandemic. Baka naman nagpapahiwatig SILA up there na medyo tantanan nyo ang pananakit sa mga katawan nyo. Choice nyo yan subalit nakakahiya naman na eto nga malakas ang pananampalataya natin dapat bilang Asia’s biggest Catholic nation pero bakit tayo kailangang mag ayuno ng pananakit at pagsusugat sa katawan para sa mga requests at petitions natin? Bago tayo matulog pagkatapos magdasal ng Ama Namin eh pwede tayo mag request ng Angelic Guidance. Huwag nyo naman lapastanganin ang inyong katawan please lang noh!

Kung babasahin ang language of the signs, mukhang pinahinto ng mga nasa taas itong practice na pagsasakripisyo sa mahal na araw sa pagkakaroon ng quarantine restrictions. Feeling ko lang kasi mula nung bata ako, sa tuwing nakikita ko yung mga sugat at dugo ng mga devotees pag Semana Santa, nagdadasal ako para humingi ng enlightenment. Sa Spain nga kung saan nagumpisa ang pagka katoliko ng mga Pinoy ay ginagawa ba ito ng mga tao? Sang ayon sa mga nakasulat sa internet meron sila procession, may Palm Sunday din sila at ang pinakamabigat na ayuno ay ang pagbubuhat ng bato ng mga costaleros sa prosisyon. Pero shifting sila at di nila inaabuso ang limitasyon ng katawan para magawa ang ayuno. Kung ganyan sila bakit tayo ganito?

Saan ba dapat or kanino ba kaya nakassign ang responsibility na bantayan ang extreme at hard core manifestations ng faith natin?

Bakit tayong mga Pilipino ay umaabot sa paghampas sa sarili ng mga lubid at pagpapadugo ng katawan sa ganitong mga pagkakataon? Bakit nangyayari ito? Parang kakaiba ang manifestation ng faith sa ibang tao. I bet hindi yan banal bagamat basal… at nakaka debase yan mga Teh! My prayer? Nawa’y maayos ito sa Pinoy collective consciousness.

Ang kasagutan ay maaaring maobserbahan natin sa mga susunod na panahon. Wish ko lang…

Bago ko tapusin ang kwentong ito ay magbabanggit naman ako ng pangyayaring maganda nitong mga huling araw sa mga Pilipino na nasa America. Nabigyan ng Grammy Awards 2022 ang mga FilAm sa Hollywood katulad ni Olivia Rodrigo bilang Best New Artist, Best Pop Vocal Album at Best Pop Solo Performance; at Bruno Mars sa kanyang collaboration kay Anderson .Paak na tinawag nilang Silk Sonic sa kanilang “Leave the Door Open”na tinanghal na Song of the Year at Album of the Year . Malaking karangalan ito sa mga kalahi natin. Maligayang pagbati sa kanila.

Sa parating na Semana Santa naman ang aking tagubilin ay ito:

Hindi baleng hindi naliligo basta hindi nilalatigo; hindi baleng magayuno basta gawing panalo ang magaling mamuno. Iwasong malito ng palsong kandidato.

Kung ang pinuno ay banayad at walang sayad, sigurado tayong uunlad.

Yung mga may tamang sadsad, ang bitaw at pahayag ay mga huwad, piliing isadlak kung saan hindi makakapangbaklad.

Ang gusto kong kandidato ay may pusong makatao, para tayo ay laging progresibo. Hindi puro epal at daldal, dapat ihalal ang tunay na magmahal.

Ang sambayanan ay dapat madantayan ng taong may galing na mahirap pantayan. Kaya dapat bantayan ang boto ng mamamayan kahit mag brownout man.

Ang mahusay sa aksyon ay hindi kailangang pumatol sa palsong akusasyon. May talino sa pamumuno ang dapat magnumero uno para magbigay progreso at asenso.

Kaya tandaan Team BBM-Sara ng Uniteam ang ating Pambansang Team!